sa panulat ni JOHN RIAN B. VERGARA
Hindi magkamayaw ang tuwa ng ilang Atletang Rizaleno sa katatapos lang na Palarong Dibisyon 2023 kung saan ginanap sa iba’t ibang paaralan sa lungsod ng Pasay. Iba’t ibang isports ang nilahukan ng mga mag-aaral ng Jose Rizal Elementary School kasama ang ilang mga gurong trainers at coaches na walang sawang sumuporta at nag-ensayo sa ating mga atleta.
Una na rito ang pagkapanalo ng ikatlong pwesto ni Breth Zion Bartolome sa indibidwal kategorya sa larangan ng Chess at ang buong Chess Team ng Ikatlong pwesto sa pangkalahatang kategorya. Ang mga mag-aaral na atleta ay sumailalim sa pangangalaga at pag-eensayo nina G. Protacio Aydalla Jr. bilang Head Coach at G. Erold Cope bilang Assistant Coach.
Basketball ball naman ay nagging mahigpit ang kapit ng mga atletang rizaleno na nagdala sa kanila sa ikalawang pwesto sa pangkalahatang kategorya. Nakarating ang mga atleta sa champion game laban sa Villamor Air Base Elementary School. Ang panalong ito ay bunso’d na rin ng mahigpit na training sa ilalim ni Coach Jefrey Agonias at Assistant Coach Fernan Navor. Batay ka’y G. Navor “Masaya na kami sa narating nila. Malayo na narating nila. 2nd place? Di biro yun ah.”
Sa Badminton naman ay umarangkada rin ang hampas ng dalawang atletang rizaleno na nagbigay sa kanila ng ikatlong pwesto (Casper Brook Subara) at Ikalawang pwesto (John Rey Catalon). Ang mga mag-aaral na ito ay sumailalim ng ensayo kina Coach Maricris P. Tsai at Trainer Riks Camba na noon isa ring palarong pambasa player.
Pumwesto rin sa ikalawang pwesto ang Sepak Team ng paaralan sa ilalim ng pagsasanay ni G. John Rian B. Vergara. Apat na paaralan ang naglaban-laban upang maging kinatawan ng lungsod ng Pasay para sa Palarong Panrehiyon 2023. Sa huli ay nagtapat ang Maricaban Elementaryb School at Jose Rizal Elementary School at nakuha ng MES ang kampyunato na naglagay sa JRES sa ikalawang pwesto. A ni G. Vergara “Walang problema sa opensa, Malakas lang talaga ang depensa ng MES.”
Sa larangan ng Athetics naman ay nangibabaw ang galing ng mga atletang si Mary Grace Bungabong na nagwagi sa tatlong event na kanyang nilahukan at magiging kinatawan para sa Palarong Panrehiyon 2023. Nag-uwi din ng karangalan ang mga kasama niyang sina Chinita Tricia Coleen Cabanlit na pumaikatlong pwesto sa 1500 meter run at si Xhamra Lei Hizola na pumaikatlong pwesto rin sa kanyang event na long jump. Ang mga mag-aaral na ito ay nasa ilalim ng pagsasanay nina G. Protacio Aydalla Jr. at G. Federico Cayabyab.
Ang mga atletang sina Jimmy Apa, Jairuz Melvin Dionzon, John Patrick Moral, Princess Loraine Biya, at Sophia Jane Narisma sa larangan ng Swimming ay magiging kinatawan ng Lungsod ng Pasay para iba’t ibang kategorya sa swimming. Ito ay dahil sa ipinakitang galing at liksi ng mga mag-aaral na atleta sa paglangoy. Nagkamit ang mga nasabing atletang rizaleno ng unang pwesto sa kani-kanilang mga kategorya. Sila ay sumailalim sa pagsasanay ni G. Reynan P. Irinco bilang head coach at G. John Rian B. Vergara bilang kanilang Assistant Coach.
Sa huli ay magandang karanasan ito para sa ating mga batang atleta at pagmamalaki ng lahat ng kawani, guro at punong-guro na si Bb. Norma B. Jamon ang pagkapanalo ng bawat atletang rizaleno.