Pormal na ipinakilala ang bumubuo sa pamunuan ng General Parents-Teachers Association para sa taong pampaaralan 2018-2019 kaalinsabay ng pampinid na palatuntunan para sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon noong Hulyo 31.
Ang mga sumusunod ang siyang nanalo sa halalang ginanap noong Hulyo 10 sa Heroes Hall ng paaralan:
Presidente: Arnel P. Neri
Bise Presidente: Junto Carinan
Kalihim: Criselda A. Santos
Ingat-Yaman: Cecilia Ko
Tagasuri: Michelle V. Moros
Tagapangasiwa ng mga Gawain: Joseph N. Layug
P.I.O: Mercy B. Dayola
P.I.O: Doris Cuneta
Mga Kasapi:
Lorna Siso
Sid Avila
Jenny Laoke
Grace Anne C. Pacayra
Chovy Nunez
Matias B. Andura
Ma. Victoria R. Protacio
Pinangunahan ng punong-guro, Dr. Rolando E. Soriano, ang panunumpa ng mga opisyales ng GPTA na ipinahatid din ang kanyang hamon sa pamunuan upang patuloy nilang maiparamdamang kanilang presensya sa pagtataguyod ng edukasyon ng mga mag-aaral ng JRES.
Magiging kaagapay ng paaralan ang GPTA upang patuloy na masiguro ang antas ng kalidad ng serbisyong pang edukasyon na matatamasa ng mga batang Rizaleño. Sa kanya namang pananalita, binigyang halagarin ng muling inihalal na GPTA President, G. Arnel P. Neri, ang patuloy na suporta at pakikipagtulungan ng samahan sa iba’t-ibang mga gawaing pampaaralan. Ito ang ikalawang sunod na taon ng panunungkulan ni G. Neri bilang pangulo ng GPTA.
Sinulat ni: Fatima P. Fajardo