Muling pinatunayan ng Jose Rizal Elementary School ang galing ng kanilang mga mag-aaral na sina Aubrey Viktoria A. Santos at Lady Mae P. Domingo nang magwagi ng 1st Place sa ilalim ng pagsasanay ng mga guro na sina Gng. Criselda A. Santos at Ma. Luisa Jessabel P. Laroco para sa Pandibisyong Paligsahan sa Kasaysayan ng Lahing Pilipino nooong Setyembre 04, 2018 sa Conference Hall ng Division Office ng Pasay.
Ang nasabing paligsahan ay nilahukan ng dalawampung pampublikong paaralan. Exciting ang naging laban dahil nag-tie sa unang pwesto ang JRES at MMES na parehong may 52 points ngunit nanaig pa rin ang batang Rizaleño at nakuha ang tamang sagot para sa ika-2 clincher tungkol kay Hen. Miong dahilan para manatili sa unang pwesto ang Jose Rizal at tanghaling kampeon sa tagisan ng talino.
Ang adhikain nang kumpetisyon ay upang bigyang halaga ang mga mahahalagang kontribusyon ng mga bayani sa kasaysayan ng Pilipinas para sa Pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani tuwing buwan ng Agosto.
Ulat ni: Criselda A. Santos