Pinarangalan bilang “First Best Implementing School, Medium Category” ang Jose Rizal Elementary School sa Brigada Eskwela 2021 na may temang “Bayanihan para sa Paaralan”, noong ika-24 ng Marso, sa Brigada Eskwela Awarding Ceremony ng Schools Division of Pasay na ginanap sa Jose Rizal Elementary School Conference Hall.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakuha ng paaralan ang unang karangalan sa ilalim ng pamumuno ng ating masipag na punong guro, Rolando E. Soriano sa pakikipagtulungan ng Brigada Eskwela Coordinator, Annie M. Mojar at mga stakeholders. Kasabay nito, tinanggap din ng punong guro at ng Brigada Coordinator ang katibayan ng pagkilala dahil sa ipinakitang paglilingkod sa gitna ng pandemya alinsunod sa 2021 Modified Brigada Eskwela.
Ang parangal na ito ay buong kagalakang ipinagpapasalamat sa mga stakeholders, magulang, mga kapitan ng Barangay, Pamahalaang Lokal ng Pasay, Pribadong indibidwal at Pribadong Sector ng Lipunan, Alumni at mga iba’t ibang Samahan na nakipagbayanihan upang patuloy na mabigyan ng de kalidad na Edukasyon ang mga kabataang Rizaleño.